Ayon sa Global News Calgary, inaprubahan ng city council ng Calgary ang malalaking pagtaas sa singil sa tubig sa susunod na apat na taon. Tinawag ng Calgary Chamber of Commerce na "egregious" (labis-labis) ang mga pagtaas. Nagbabala ito na maaapektuhan ng mga gastos ang kakayahan ng mga negosyong makipagkompetensya. Mahihirapan din daw ang badyet ng mga kumpanya.