Ayon sa Rappler, iniulat ng cybersecurity firm na Hunt.io na may 68 GB ng datos mula sa isang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas na natagpuang hayag sa publiko online. Ang mga pangalan ng file ay tumutukoy umano sa mga file ng organisasyon ng mga migranteng manggagawa. Gayunman, hindi pa tiyak kung ano talaga ang laman ng mga backup. Hindi kasi sinuri ng Hunt.io ang nilalaman ng mga ito.