Ayon sa GMA News, hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference bago magsimula ang kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC) para sa crimes against humanity. Sa pagbubukas ng trial sa Nobyembre 30, unang itatanong ng mga huwes kung aaminin niya ang kasalanan o magpapasya siyang mag-not guilty. Samantala, humihingi ng gabay sa Trial Chamber III ang Victims Participation and Reparation Section ng ICC Registry para muling suriin ang mga aplikasyon ng mga biktima ng drug war. Ito ay alinsunod sa inaprubahang saklaw ng kaso laban kay Duterte.