Ayon sa Inquirer.net, tinanggihan ng International Criminal Court ang hiling ng abogado ng mga biktima na gumamit ng Tagalog sa ilang bahagi ng kanilang opening statement. Nagpasya si Presiding Judge Joanna Korner noong Lunes, Nobyembre 2, na Ingles lang ang gagamitin sa buong paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa Nobyembre 30. Humigit-kumulang 29 saksi ang inaasahang magtetestigo mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng audio-visual link.