Iniulat ng Inquirer.net na hinihimok ng koalisyong 1Sambayan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpadala ng bagong demand letter sa mga tagapagmana ni Marcos bago ang Disyembre 2 ngayong taon. Layunin nitong singilin ang estate tax na nagkakahalaga ng P203 bilyon. Kapag lumampas ang itinakdang panahon ng paniningil, mawawalan umano ang gobyerno ng kita. Sinabi ito ng grupo noong Biyernes, at hinikayat nila ang bagong talagang commissioner ng BIR na kumilos.