Ayon sa GMA News, dumating na sa Pilipinas noong Sabado ang ilang lider para sa 49th ASEAN Summit, kabilang sina Pangulong Prabowo Subianto ng Indonesia, Punong Ministro Anutin Charnvirakul ng Thailand at Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia. Dumating din sina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei at UN Secretary-General António Guterres bago ang pagbubukas ng summit sa Linggo. Sinabi ng DFA na 80% na ng negosasyon sa Code of Conduct sa South China Sea ang tapos, at sa Pilipinas itatayo ang ASEAN Maritime Center. Nakahanda na rin ang NCRPO para sa pagtitipon sa Maynila, at wala raw bantang natutukoy.