Ayon sa Philstar at Inquirer.net, ipagpapatuloy na ngayong araw ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ang pahinga dahil sa pagho-host ng ASEAN Summit. Umaasa si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magiging malinaw ang mga ebidensya para makapagpasya sila kung kokonbiktahin o aabsuweltuhin ang bise presidente. Sabi ng kampo ni Duterte, may kumpirmasyon umano silang pinag-uusapan sa Kamara ang posibilidad na walang halalan sa 2028. Para naman kay Ace Barbers ng House prosecution, maaaring panlilihis lang ang isyu ng mga dating staff ng bise.