Ayon sa ulat ng Inquirer.net at Philstar, hinihiling ni CBCP president Bishop Pablo Virgilio David sa Kamara na ipaliwanag ang halos 7,000 proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng P190 billion at idinagdag sa panukalang 2027 national budget. Wala raw makikitang pampublikong dokumento na sumusuporta sa mga ito. Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang mga insertion sa P7.2-trilyong budget na inaprubahan ng Kamara, basta raw makabubuti ito sa publiko. Bukas din si Senate finance committee chairman JV Ejercito na imbitahan ang civil society groups sa bicameral conference committee hearings, matapos nilang ituro ang hanggang P1 trilyon na posibleng pork barrel sa bersyon ng Kamara.